Ang mga kaibahan sa pagitan ng buhay iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nang, sa Kapanahunan ng Biyaya, bumalik ang Diyos sa ikatlong langit, ang gawain ng pagtubos ng Diyos sa buong sangkatauhan ay talagang nakasulong na tungo sa pangwakas na yugto nito. Ang tanging natira sa daigdig ay ang krus na pinasan ni Jesus, ang pinong lino na ibinalot kay Jesus, at ang koronang tinik at matingkad na pulang balabal na isinuot ni Jesus (ito ang mga bagay na ginamit ng mga Judio upang libakin Siya). Ang ibig sabihin, matapos magdulot ng malaking kaguluhan ang gawain ng pagpapapako sa krus ni Jesus, muling umayos ang mga bagay-bagay. Mula noon, ang mga disipulo ni Jesus ay nag-umpisang isulong ang Kanyang gawain, nagpapastol at nagdidilig sa mga iglesia sa lahat ng dako. Ito ang nilalaman ng kanilang gawain: mapagsisi ang lahat ng tao, mapakumpisal sila ng kanilang mga kasalanan, at mabautismuhan; pinalalaganap ng lahat ng apostol ang kuwentong napapaloob sa pagpapapako sa krus ni Jesus at kung ano talaga ang nangyari, at kaya hindi napigilan ng lahat na dumapa sa harap ni Jesus upang ikumpisal ang kanilang mga kasalanan; at bukod diyan, ipinalaganap ng mga apostol sa lahat ng dako ang mga salitang binigkas ni Jesus. Mula sa puntong iyon ay nagsimula ang pagtatayo ng mga iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya.
Hinango mula sa "Gawain at Pagpasok (6)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa nakalipas, sa panahon ng mga natatanging pagtitipon o maringal na mga pagtitipon na ginanap sa iba't ibang lugar, isang tanging aspeto ng landas ng pagsasagawa ang pinag-usapan. Ang ganoong pagsasagawa ay yaong dapat isagawa sa Kapanahunan ng Biyaya, at bahagyang nagtaglay ng anumang kaugnayan sa kaalaman tungkol sa Diyos, dahil ang pangitain ng Kapanahunan ng Biyaya ay ang pangitain lamang ng pagkakapako sa krus ni Jesus, at walang mga pangitain na higit pa rito. Wala nang dapat malaman ang tao maliban sa gawain ng Kanyang pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus, kaya't sa Kapanahunan ng Biyaya wala ng ibang mga pangitain na kailangang malaman ang tao. Sa ganitong paraan, ang tao ay mayroon lamang katiting na kaalaman tungkol sa Diyos, at bukod sa kaalaman tungkol sa pag-ibig at awa ni Jesus, mayroon lamang ilang payak at kahabag-habag na mga bagay para sa kanya upang isagawa, mga bagay na napakalayo mula sa ngayon. Noong araw, anuman ang paraang ginamit sa kanyang pagtitipon, walang kakayahan ang tao na mangusap ng praktikal na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, lalong hindi nasabi ng sinuman nang malinaw kung alin ang pinaka-angkop na landas ng pagsasagawa para pasukin ng tao. Nagdagdag lamang Siya ng ilang payak na detalye sa saligan ng pagtitimpi at pagtitiis; wala talagang pagbabago sa diwa ng kanyang pagsasagawa, dahil sa parehong kapanahunan hindi gumawa ang Diyos ng anumang mas bagong gawain, at ang tanging kinailangan Niya sa tao ay ang pagtitimpi at pagtitiis, o pagpasan ng krus. Maliban sa gayong mga pagsasagawa, walang mas mataas na mga pangitain kaysa sa pagkakapako sa krus ni Jesus.
Hinango mula sa "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa pagpapatuloy, ang pag-uusap tungkol sa salita ng Diyos ay ang prinsipyo ng iyong pagsasalita. Sa karaniwan, kapag kayo ay nagsasama-sama, dapat ninyong pag-usapan ang tungkol sa salita ng Diyos, gamitin ito bilang inyong paksa; pag-usapan ninyo kung anu-ano ang inyong mga nalalaman sa salita ng Diyos, kung paano ninyo isinasagawa ang Kanyang salita, at kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Ang kailangan mo lang gawin ay makapagbahagi tungkol sa salita ng Diyos, at paliliwanagin ka ng Banal na Espiritu. Nararapat ditong makipagtulungan ang tao kung ito ay magiging mundo ng salita ng Diyos. Kung hindi ka pumasok dito, hindi magagawa ng Diyos ang Kanyang gawain. Kapag ititikom mo ang iyong bibig at hindi magsalita tungkol sa Kanyang salita, hindi ka Niya makakayang paliwanagin. Sa tuwing wala kayong ginagawa, pag-usapan ninyo ang salita ng Diyos, at huwag kayong mag-usap nang walang kabuluhan! Hayaan mong mapuno ang iyong buhay ng salita ng Diyos-sa gayon ikaw ay isang taimtim na mananampalataya. Kahit na ang inyong pagbabahagi ay paimbabaw, iyon ay ayos lamang. Kung wala ang paimbabaw, hindi magkakaroon ng malalim. Mayroong pamamaraan kung saan kailangang sumailalim. Sa pamamagitan ng iyong pagsasanay, natatarok mo ang pagpapalinaw ng Banal na Espiritu sa iyo, at kung paano mas mabisang kumain at uminom sa salita ng Diyos. Matapos ang isang panahon ng ganoong pananaliksik, ikaw ay makapapasok sa realidad ng salita ng Diyos. Kung ikaw lamang ay mayroong paninindigang makipagtulungan ay matatanggap mo ang gawain ng Banal na Espiritu.
Hinango mula sa "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa "pagbabahagi at pagniniig ng mga karanasan," ang ibig sabihin ay pagsasabi ng bawat kaisipan sa iyong puso, iyong kalagayan, iyong mga karanasan at kaalaman sa mga salita ng Diyos, gayundin ang tiwaling disposisyon sa loob mo. At matapos iyan, natatalos ng iba ang mga bagay na ito, at tinatanggap ang positibo at kinikilala yaong negatibo. Ito lamang ang pagbabahagi, at ito lamang ang talagang pakikipagniig. Hindi lamang ito basta nangangahulugan ng pagkakaroon ng mga pagkaunawa sa mga salita ng Diyos o isang bahagi ng isang himno, at pakikipagniig ayon sa gusto mo at pagkatapos ay hindi na pagpapalawig pa nito, at hindi pagsasalita ng anumang may kaugnayan sa iyong sariling aktuwal na buhay. Nagsasalita ang lahat tungkol sa kaalamang doktrinal at teoretikal, at walang sinasabi tungkol sa kaalamang hinango mula sa aktuwal na mga karanasan. Umiiwas kayong lahat na pag-usapan ang tungkol sa gayong mga bagay, tungkol sa inyong mga personal na buhay, tungkol sa inyong buhay sa iglesia kasama ang inyong mga kapatiran, at tungkol sa inyong sariling panloob na mundo. Sa ganitong paraan, paano magkakaroon ng tunay na pagtatalastasan sa pagitan ng mga tao? Paano magkakaroon ng tunay na pagtitiwala? Hindi nagkakaroon ng anuman! Ano ang masasabi mo, kung hindi sinasabi ng isang babae ang nilalaman ng kanyang puso sa kanyang asawa, magkatapatang-loob ba sila? Nagtatapat ba sila sa isa't isa? Ipagpalagay nang buong araw nilang sinasabi, "Mahal kita!" Sinasabi lang nila ito, pero hindi nila ipinagtapat kailanman ang iniisip nila sa puso nila, kung ano ang gusto nila sa isa't isa, o kung ano ang mga problema nila. Hindi nila pinag-usapan kailanman ang gayong mga bagay, ni nagtapat sila sa isa't isa kahit kailan-at kung pareho silang hindi nagtapat sa isa't isa kailanman, mahal ba nila ang isa't isa? Kung wala silang masabing mahalaga para sa isa't isa kapag magkasama sila, talaga bang mag-asawa sila? Siguradong hindi! Kung nakakaya ng mga kapatid na magsabi ng niloloob sa isa't isa, tulungan ang isa't isa, at tustusan ang isa't isa kapag magkakasama sila, kung gayon bawa't tao ay dapat magsalita ng kani-kanilang sariling tunay na karanasan. Kung hindi ka nagsasalita ng sarili mong tunay na karanasan, at nagsasalita lamang ng mga matatayog-pakinggang salita, at mga salitang mala-doktrina at mababaw, kung gayon ikaw ay hindi isang taong tapat, at hindi mo kayang maging matapat.
Hinango mula sa "Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahing nagsasalita kayo tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat ring magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibubunyag sa inyong karanasan, kung gaano na ang inyong natitiis at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos; magsalita kung gaanong tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat sumaksi para sa Diyos at suklian Siya dahil sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng substansya ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag ninyong pag-usapan ang mga hungkag na teorya. Magsalita kayo nang mas makatotohanan; magsalita kayo na mula sa puso. Ganito ang dapat ninyong maranasan. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at walang-lamang teorya para magyabang; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan na totoo at mula sa puso, at magsalita mula sa puso; ito ay pinaka-kapaki-pakinabang sa iba, at pinaka-nararapat na makita nila. Dati kayo ay mga taong labis na sumasalungat sa Diyos at pinaka malabong magpasakop sa Diyos, ngunit ngayon kayo'y nalupig-huwag ninyong kalilimutan iyan. Dapat pagbulay-bulayan at pag-isipan ang mga usaping ito nang higit pa. Sa sandaling naunawaan ng mga tao ang mga ito nang malinaw, malalaman nila kung paano magpatotoo; kung hindi, baka makagawa sila ng mga kilos na kahiya-hiya at walang-katuturan.
Hinango mula sa "Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
______________________________
Magrekomenda nang higit pa:
- Ang Kabuluhan ng Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos
- Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang kapanahunan ng pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan na sakop ni Satanas?
- Ano ang mga kaibhan sa pagitan ng paraan ng paggawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng paraan ng paggawa ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?
Ang totoong kahulugan ng kaligtasan ay: Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, na tanging nangangahulugang naligtas tayo ng biyaya at napatawad na tayo sa ating kasalanan, ngunit hindi ito ang tunay na kaligtasan. Kung mararanasan lamang natin paghuhukom ng Diyos na gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos!